My family celebrated Mom’s birthday at Yakimix SM North! My treat!
Jan bought Guess jeans for mom.
My family celebrated Mom’s birthday at Yakimix SM North! My treat!
Jan bought Guess jeans for mom.
Arrrgh!! Gusto kong manuntok!
Bakit ganoon? Akala ko totoo na??? Bakit ganoon minsan ang relationship? Minsa’y relationshit!! Bakit laging may negative!?
Arrrgh!! Gusto kong magwala!
Ako lang ba nakakaramdam nito? O talagang ganito ang mundo at kailangan kong mag-go-with-the-flow sa mga nangyayari??
Arrrgh!! Gusto kong sumigaw!
Damn!!! Akala ko ok na ang lahat! Akala ko happy ever after! Akala ko dapat maging tapat!
Pumunta si Sillybear sa Manila galing Cebu para sa lamay ng kanyang namayapang nanay. Nalulungkot ako sa mga balitang tulad nito. Lalo tuloy akong nangangamba sa nanay ko dahil sa hypertension na nararanasan niya. Minsan kasi ay umaabot ng 160/120 ang BP niya dahil sa stress, kasama pa ang depression 😦
After ng birthday ni Klok sa bahay nila Abby, pumunta ako sa Trinoma para makita siya ng personal (panay kasing Monkey Business ang litrato niya sa Facebook) at siya nalang kasi ang tanging DDR Ph administrator na hindi ko pa name-meet ng personal. So ayun siya.
Sa amin muna siya nakituloy dahil sa Sunday (July 13) pa ang dating ng barko papuntang Cebu. Mahilig din pala siya sa kape.
Idol ko talaga ito pagdating sa lua programming language. Mani lang sa kanya ang pag-edit ng theme ng StepMania 5. Walang katapat ito sa buong mundo!
In-update niya ang StepMania sa Farmers: Ala-DDR na ang timing, pero mali pa rin minsan ang scoring, which is aayusin niya nalang daw next time. Updated hanggang Idola Challenge (Level 17 na parang 18). No one dares to try.
Habang ako’y nasa trabaho, siya nama’y nasa mga mall naglalaro ng DDR. First is sa G4 (kasama niya sila Alan and Ron), Robinsons Galleria kasama sila Kenji, Patty/Rocky, Bob.
Sa Luneta. pauwi na papuntang Cebu, picture taking pa hahaha!
Na-stranded dahil sa bagyong Glenda. Stay muna daw siya. Oh picture taking pa ulit sa bahay ni Jose Rizal.
I don’t know, but I hate seeing this place. Hindi na ako kakain dito.
First time to play DDR X. Sa Isettan Recto. Nagtataka yung babae oh hahaha!
Kain muna sa pier. Adobong baboy.
Giving expert advises. Marami akong nakuhang aral sa kanya. Thank you!
Seiten bon voyage!
More pictures here: https://plus.google.com/photos/103553591766784560950/albums/6035554679243887361
Muntik na mawalan ng phone at pera. Ingat ingat din kasi – at higit sa lahat – think twice!
Ang daming nagco-comment sa post ko about QCGH. Naka-receive ako ng 128 views in one day!
Sobrang avail this Sunday, nakaka-1 hour+ avail.
Hindi natuloy ang panonood ng Transformers 4! 2 weeks na arghh!
Masarap yung stuufed squid sa Inihaw Express, may kasamang salted egg at tomato. Hindi ko alam, pero hinahanap ko pa rin yung stuffed squid sa St. Francis Square.
Noon, naniniwala ako na kapag nakasama mo na ang tao ng 6 na taon ay makikilala mo na siya mula ulo hanggang paa. Pero, nagkamali ako dahil napatunayan ko na kahit 20+ years mo na siyang kilala ay magugulat ka pa rin minsan sa mga nagagawa ng kakilala mo – at minsa’y mag-iiwan ng malaking alaala na hindi mo kailanman makakalimutan.
Isa sa pinaka-masayang outing na napuntahan ko. Hindi ko ma-explain lahat dito hehe! Check niyo na lang pics dito:
https://plus.google.com/photos/103553591766784560950/albums/6006536344426287857
Hi, hello! Kamusta?
Nagkaroon nanaman ng isang buwang gap ang blog post ko. Sobrang busy na kasi si Ian. Ano na nga ba ang nangyari sa nakalipas na araw? Marami eh, halos di ko na maalala ang iba, pero siguro ipapamahagi ko ang mga litrato para ma-present kahit papaano. Pero paano ipapakita ang mga feelings? Siguro sa sulat/kwentuhan lang talaga, kahit na “a picture worth a thousand words”. Wow, parang ma-drama ang ike-kwento ah? Siguro nga, kasi ang daming nangyaring hindi inaasahan at maraming pagbabagong hindi maiwasan. Paano ba i-explain ang stress at depression? Siguro tama sila na sa milyun-milyong tao eh wala kang katulad, “unique” tayo lahat ika nga. Hindi mo rin pwedeng hikayatin ang taong gusto mong tumulong sa iyo, kasi ang totoong tao mag-aalala sayo ng tunay ang siyang lalapit sayo.
Biro mo, naka PTO vacation leave na nga, pumasok pa! ‘Di ko napansin na naka-leave pala ako ng araw na ito (aya, hindi kasi tinitingnan ang IEX…). Naka-limang chat pa ako nito, at umalis na. Kumain at natulog sabahay.
Umalis ng after lunch, ginamit ang 300: Rise of an Empire movie pass sa Megamall.
Pumunta sa Galleria para sa clinic appointment, pero na-late ako ng 15 minutes, kumain nalang.
Naglaro nalang ng StepMania sa Farmers Plaza at nakasama si Lox.
Album: https://www.facebook.com/vilma.bela.3/posts/614598011944472
Kasado na: Pupunta kami sa Caliraya Resort sa Laguna sa April as part of team building. Dahil malayo at mas maraming activity na gagawin, mas malaki din ang funds nakakailanganin. Magkakaroon ng Amazing Race version game na iho-host ng tutuluyan namin resort. Panalo ang unlimited food nila waaah!!
Afternoon delight after shift! Advance birthday celebration ni Myah and bonding na rin ng Team Envy. First time makasama si SME Jack sa inuman. Natawa ako sa mga kwento niya 😀
Hanggang ngayon hindi pa rin tunatawag yung BayanTel. Urgh.
Sa Saturday na ang graduation ni Pilar. Ano kaya pwede i-handa?
Played archery with Pilar a while ago. Lamang lang ako ng 4 points 🙂
Hooray for today! Free Egg McMuffins from McDonald’s for National Breakfast day. Buti na lang katapat lang ng McDo ang Convergys.
Naglaro ng Xenogear, Call of Duty Modern Warfare 3 at Dead Space Extraction. Resulta: sakit sa ulo!
Updated na ang StepMania sa Farmers. Latest song is “IX”.
Picture muna dyan bago umuwi.
Samsung 3D Blu-ray Home Theater in a new glass base stand
LG Refrigerator with Green Ion Cooling and Multi Air Flow system
La Germania Electric Stove Built-in Hob
Hanabishi Turbo broiler and juice blender
Chill out after shift kasama sila TL, Mayah, Jaki, Kelvin, Roi at Brian. Biruin mo, kami-kaming rin ang naguusap sa WeChat hahaha. Pero okay rin, kasi nakaka-usap namin ang iba pa. Na-unfroze ko rin after ng ilang months, time to continue using this!
Woot! After work, pumunta muna sa Farmers para bumili ng gamit ng biglang inaya ako ng mga kabarkada ko uminom sa Padis Starmall. Punta naman ako., na-miss ko rin kasi ang mga kaibigan ko. Umuwi na ako ng 9PM pero bumalik ulit, this time bar hopped sa kalapit na Bob’s para mag cool down. Buti hindi ako na-late kinabukasan.