June 14, 2013 noong nag-upgrade ang
cable namin from analog cable TV connection to digital video broadcasting o DVB (pilitan din para malabanan ng SkyCable ang cable piracy and averting illegitimate connections). Dahil Digibox na ang ginagamit, mae-enhance ang viewing experience dahil sa features na crystal clear picture quality. Separate ang remote control ito para sa digibox, ito ang gagamitin para maglipat ng channels, ma-adjust ang volume, ibahin ang settings, atbp. Isa sa advatages ng Digibox ay mayroon itong real-time on-screen electronic program guide at may highlights at synopsis ng mga program.
Mayroon din itong in-house mail function para sa technical at corporate announcements; at maaari din mag set ng parental control lock sa mga channel. Mayroon din itong built-in games, mayroong classic Tetris, GoBang, atbp. Ang disadvantage nito ay wala yung mga favorite channels ko na Discovery Channel, Animal Planet atbp dahil available nalang sila through Gold package (Hays, mas maganda pa dati na mayroon nito, buti nalang hindi nadamay ang National Geographic). Oh siya, manonood muna ako!