Nung nakuha ko na ang Elective Training Certificate ko sa QCGH

Sa wakas! After 6 months of elective training sa Medical Intensive Care Unit (MICU) ng QCGH ay nakuha ko na rin ang certificate ko!

Pinagawa ko kay Ma’am Banaag ang certificate, at pinapirma kay Ma’am Savella, ang head ng training office. Nagpa-photocopy ng 5 at pinatatak ko ng certified true copy.

Marami rin ang nangyari sa loob ng 6 months sa MICU:

Sabay kami nila Shobe at Karen pumasok as newbie elective trainee.

Nakilala sila Joy, Mike at Honey. Nandoon din si Jillian, classmate ko dati sa FEU.

Nakilala mabuti sila Ma’am Helen, Lucy, Ana, Maan, Arlene at Mavy. Ganoon din ang mga staff ng Medicine Ward – Ma’am Dalia, Luz, Yvonne, Eugene, Emman, Aaron, Len, atbp.

May mga bagong trainee din nakilala: Donna, Hazel, Vanessa, Jelvie at Rey-An.

Mga bagong kaibigan. Pero kahit tapos na ang training ko, hinding hindi ko sila makakalimutan dahil lahat sila ay bahagi kung paano ako nahumog sa mundo ng ICU. Maraming salamat po sa inyo!

Leave a comment