QCGH Elective Training – November

My first month as elective trainee in QCGH ICU!

More challenging ang role ng elective trainee, lalo na sa ICU. Dati, hindi kami pinapahawak ng charts ng mga patients noong regular trainee pa lang kami, pero ngayon, kami na ang nagcha-charting sa Nurse’s Notes, carry out ng doctor’s order, at iba pa.

Kasabayan ko sila Shobe at Karen, at nandoon din ang mga veteranong elective trainee (Honey, Victor, Jillian, Joy at Michael). Dahil ahead ang mga elective trainee sa mga regular trainee, tinatawag nila kaming ir/ma’am, Nakakahiya kasi kinakapa ko pa ulit ang ICU after months of tambay! Pero unti unti, nakakasabay na ako sa flow ng ICU – intubation, CPR, etc.

Hindi na rin ako nakakakain sa Violybee tulad noong regular trainee pa lang ako! Kaya nagbabaon ako ng pagkain at sa Medicine Ward Nurse’s Station kami kumakain. Enjoy ako ngayon sa role ko as elective trainee! Mababait ang mga staff ng ICU (Ma’am Helen, Maan, Lucy, Mavi, Arlene), medicine ward (Crispy ulo!), doctor at clerks. ^_^

Leave a comment