Elective Training sa QCGH

Nov. 2 2009

Start ng elective training ko sa Medical Intensive Care Unit (MICU) sa QCGH. Kasama ko ang ibang baguhang trainee na sila Shobe at Karen. Si Ma’am Helen Marzan pa rin ang mabait (at makulit) na head nurse ng area. Nalaman kong hindi pa umaalis ang 5 lumang elective trainees doon (tulad nila Victor at Jillian), ayaw nilang bumaba dahil nagustuhan na daw nila sa MICU. Ako rin, parang ayaw ko ng bumaba kasi ICU talaga ang gusto kong area. Dahil sa nakaraang bagyo na nagdulot ng matinding baha sa lungsod, may mga leptospirosis patients kami. They undergo peritoneal dialysis.

3 months din akong walang ginagawa sa bahay after ng 6 months regular training ko dati sa QCGH kaya medyo kinakapa ko pa ulit ang mga gawain doon. Isa pa, mas dumami ang responsibility namin as elective trainee, we are allowed to do charting (monitoring, nurse’s notes). Maraming kanin pang kakaining bigas, alam kong balang araw, kabisado ko na rin ang galaw ng ICU at magiging staff dito!

4 comments

  1. hello po im currently training sa qcgh..kakastart lang kahapon..paano po yang elective training magagawa para after 6months training ko makapag elective training din ako? salamat po 🙂

Leave a comment