Training at Quezon City General Hospital

Napasa ko ang exam ng QCGH! Yahoooooo!!! January 6 nilabas ang result pero noong 7 ako pumunta. Di ko inakalang papasa ako! Advantage ang QCGH sa akin kasi 7 months ang training nila (January-July) at siyempre sobrang lapit (pwedeng lakarin!) lang sa amin!

Heto ang QCGH noon:

Image023 Image024

Kasama sa training ang sumusunod na area (naglagay na rin ako ng links for my specific blog for my reference):

Operating room (OR)
Surgery ward
Trauma ward
Pathology
Out patient department (OPD)
Payward
CSR (Central supply room)
Emergency room (ER)
Medicine ward
Intensive care unit (ICU)
Pediatric ward
Pediatric intensive care unit (PICU)
Neonatal intensive care unit (NICU)
OB-Gyne ward
Delivery room and labor room

Siyempre makakauha kayo ng Certificate of Training at mayroon pang engrandeng Graduation Celebration! Kasama ang mga head nurse, chief nurse at hospital director. Sa Tramway Garden Buffet kami noon.

After ng training, pwede kayo mag apply ng elective training, special are training ito for 6 months. ICU ang pinili ko. Makakakuha rin kayo ng isa matinding certification.

Update: Good news! Magkakaroon na po ng extension building ang QCGH! To read more about this, click here.

Heto na ang QCGH Medical Center ngayon:

Heto ang ibang requirements ng application:

Resume/Bio-data with passport size picture
Photocopy of the following Documents:
College diploma
College TOR
PRC license ID (Current)
Certificate of Good Moral Character

Para sa mga katanungan, pwede kayo tumawag sa 426-1316 local 212

Para sa map, check this link: 

http://wikimapia.org/#lang=en&lat=14.661049&lon=121.018621&z=17&m=b

93 comments

  1. hi! im also interested to take an exam there in qcgh. need help sna. pano ba mag apply sa qcgh? ano requirements and hows d exam? mhirap b? hop u can giv some tips. thanks

  2. Hello! Can I ask anong requirements nila for this hospital? Interested din ako…Sayang nagstart na yung January batch.. But anyway, gusto ko padin mag-apply. Thanks! Hope to hear from you soon.=)

  3. Magpass ka lang ng credetials mo sa Nursing Training Office. Then bibigyan ka nila ng schedule for their exam. Dapat ipasa mo po iyon. Yun lang po ang req nila. This coming april ulit sila magtatanggap ng applicants for July to January.

  4. hi.. im interested to apply as a nursing trainee in qcgh.. May i ask about the requirements and the exam. How to apply? pls. comment back. thanks. tc always ..

  5. Basic requirements lang naman.. Photocopy of diploma, TOR, PRC board of rating, PRC license card.. yun lang…about sa exam, pabasa po ung sinabi ko sa taas. thanx ^_^

  6. hi po, ask ko lang kung may computations ba na included dun sa exams?sched ko kc ds coming may eh.. hope for your reply..thanx

  7. hi po, nakauniform po ba kapag mag eexam sa qcgh? mahigpit po ba cla sa requirements kagaya nung size nung picture mali ata yung napass ko na size ng picture… paxenxia na po sa abala

  8. info lang dun sa nagtatanong kung nkauni pag exam, hndi po.. naka cvlian lang.nkita ko kc ung mga naunang batch cvilian lang cla.exam ka dn ba ds coming may21?gudluck!!!

  9. hi leza.. opo exam din po ako… thank you sa info nag pasa pa po ba kayo ng picture? or yung nasa resume na anong size po yung picture na nilagay nio? paxenxia na po sa abala. salamat

  10. Hi leza 🙂 thank you sa reply.. nag pass ka pa ba ng extra picture? and anong size ba yung requirement nila… mahigpit ba sila sa requirements.. paxenxia na sa abala

  11. hi po, uhm ur welcome!2×2 ata ung pnass ko..mahigpit?d nman gaano basta complete ung req na bbgay mo.konti lang nman yn dba.. d nman un abala.hehe cge gudluck stin!

  12. uhm w8 lang d ko na maalala if nka attached na ung pic sa resume eh.basta dala ka nlng para mas sure..pasenxa na..

  13. 30-50 items? ang konti lang pla ano. ano ba un, situational or objective type? madami bang bumabagsak dun?can you give me a ration ng mga pasado versus mga failed? nanghihina loob ko eh hehehemageexam na kasi ako sa may14 lapit na. no need n ba magreview o kailangan pa? cno pong nakapasa na?

    thanks sa reply…

  14. Yup, 2×2 po ang required nila. kaso as of now po close na sila for registration for june-junuary applicants.

    yup, mga nasa 30-50 items lang, more on situational and analysis. about sa ration ng mga pasado vs mga failed, hindi ko po masabi. just know the total examiner per day, and the total number of exam dates. mga 120 lang kami ngayon eh, you do the math

    nasa iyo po kung magrereview ka. i don’t want to judge po eh

    wag kayo kabahan, kayang kaya niyo yan! ^_^ goodluck and God bless!

  15. thank you po ian 🙂 pwede po ba malaman kung saan dapat mag focus ng review para dun sa exam? ano po maadvice nyo sa amin na mga eexam? ano po kadalasan topic nilasa exam?thank you po. paxenxia na sa abala

  16. hindi ko lang po alam kung ano ilalabas nilang questions, basta nung nag exam kami, more on pedia-maternal, surgical, and nursing interventions..

  17. hello po 🙂 paxenxia na po ulit sa abala.. nabasa ko po kasi dito sa blog nyo na nag inquire din kayo sa AFP ( V. LUNA) hospital itatanung ko lang po kung requirement po talaga yung 20/20 vision or not wearing eyeglasses paxenxia na po.. wala po kasi ako mapagtanungan.. thank you po

  18. hindi po siya free training. tulad po ng ibang hospital, may registration fee ang QCGH. Php 2,400 ang binayad namin for the whole 6-7 months training, plus P50 para sa name plate.

  19. hi maganda po ba ang training ng QCGH? madami po bang matututunan? and kung mayroon po bang sariling patient or tutulungan mo lang yung staff nurse? thank you po 🙂

  20. uhm naicp ko lang.hehe eh d madali pla ng konti ang exan qc gen cguro.hehe sana pumasa dn aq.uhm mga gano ba ktagal mlaman ang result kung pass or failed ka?

  21. hi ian 🙂 thank you dito sa blog mo, sa pag answer nung mga question namin at pasensya na po sa abala;)

    itatanung ko lang po sana kung ano po ba style ng question sa QCGH or ano pong book yung marerecommend nyo na reviewhin namin? nclex style po ba yung question? mahirap po ba yung exam? madami po bang nakakapasa? at maganda po ba yung training? marami pong salamat

  22. simpleng nursing questions lang tulad ng mga tanong para sa mga nurses like us…

    i recomend review nyo ung maternal, pedia, surgery at fundamentals..

    hindi ko po masabi kung mahirap o madali.. nasa tao naman iyon at pano siya mag aral…

    sad to say, konti lang talaga kukunin… sa daming nurse ngayon, talagang bumababa ang percentage ng makakakuha ng failed…

    maganda po ang training sa QCGH… iyon nga lang konting sipag at tiyaga dahil minsan, full house
    ang ward, sobrang daming pasyente. may time na mahihirapan ka (as in toxic) at may time na petiks lang. may mga umaalis kasing mga trainee, dahilang nila:

    1. sobrang hirap
    2. opportunity sa iba
    3. personal problems

    sa tanong mo po dati… total patient care doon… nursing care, documentation (yup, charting, with staff’s sign), endorsement, etc.

  23. hi po, pede po ba humingi ng favor?pede po ba pki post nman kung lumabas na ung result ng mga pumasa dun sa exam for training last may2009.. plese hope for the post..i’ll appreciate it really..hehe

  24. hi po…institutional health care services ung course ko..nursing auxiliary po xa, ask ko lng kung kelan ako pd mag apply for training.ano ung mga requirements?my exam din po b ako f ever?pakisagot naman po….pls………..

  25. hi po…institutional health care services ung course ko..nursing auxiliary po xa, ask ko lng kung kelan ako pd mag apply for training.ano ung mga requirements?my exam din po b ako f ever?pakisagot naman po….pls………..my application letter na po ako tska recommendation letter galing ky vice mayor..advice nman po kung ano na dapat kong gawin

  26. hi…pwede kaya mg volunteer khit di pa rn?asking lng…kx someone told me lng n pwede daw ung gnun?tnxs….

  27. Hello po 2 everyone, magsstart po ako jan sa QCGH tom as a trainee, pero di pa po ako nakakabayad, ask ko lang po kung tayo din po ba nagbibigay ng meds? at kung me mga reinsertion or IV initiation pwede po ba tayo kung tapos na ang IVTraining? At 411 naman po sa Nursing Staff do’s and donts hehehe thank you poh ^^…

  28. yup, baka magsawa ka magbigay ng mga med sa mga patients heheh. pero depende sa ward (example sa pedia ward, minsan mga clerks yung nagbibigay, pero pag wala sila, mga RNT).

    yep yep, pwede au mag iv cannulation, blood transfusion, blood extraction atbp. pero kung may clerks, sila na lang…

    nasa wards naman po ang do’s and dont’s… kanya kanyang rules and policies… dont worry may orientation naman sa bawat ward bago kayo doon mag duty

    sa october sila ulit magtatangap ng mga applications for RNT..

    TY

  29. Yup, na-start na po ang training for July 2009 -January 2010..
    Just bring ut resume and other credentials (eg. license, diplomas)
    mga 2,400 yung binayad namin noon…

    siyempre, mas madaling ma-absorb yung mga nakapag training na sa kanila… may advantage sila.. kaso it will be a tough process kasi public hospital ‘to…

  30. hi gud eve po! ask ko lang po wat if newly registered nurse ka lang den nde pa makuha mismo ung license i.d. pwede bang ung certificate of passing and rating muna ang ipakita tas to follow na lang ung license?thank you =)

  31. super hirap ba ng 50 items exam nila? mahina ako sa maternal at pedia eh..nakasched na ako dyan for exam.. anu mgandang book na masasabi mong makakatulong sa akin para makapasa? thankyou..

  32. ang alam ko po pwede ung certificate of passing and rating…. habang hinihintay ung ID

    sa exam… try nyo po ung book ni pilliteri ^_^

  33. Hi po sir ian,, just want to ask if pwede na ba magsubmit ng requirements ngayon sa qcgh for training? and hindi na po ba cla nagrerequire na may BLS and IVT training dapat? and how many days po kaya ung preparation for exam? thank you po. sana po reply kayo.

  34. hi there! trainee ako ngayon sa qcgh. hindi naman kailangan ng bls and ivt training dun. regarding sa books na dapat gamitin for review, mosby daw and other nclex books. kasi may groupmate ako yun ang ginamit nya, at sisiw lang sa kanya ang exam kasi lahat daw ng questions nasa mosby. hehehe

  35. tank you po Mam Kin… Bale kelan po kaya cla tatanggap ulet ng requirements for Training? and How many days po ang preparation for Exam?.. Thank You po..

  36. hi sir Ian tamaraw nurse din po ako batch 09.. hehe.. ask ko lng po if alam nyo po ung exact date na pedeng mag pass ng requirements sa QCGH sa October? thnx po.

  37. hi ian… batch jan.19-july19, 2009 ka ba nag training sa QCGH? hehhehe mag ka batch tau… bka nkkta na kita dun sa qcgen, kaya lang di kita kilala sa name… nag pass ka ba ng requirements dun for elective?

  38. yup, dati pa… magstart sana kami nung august kaso puno na ang slot…. bumalik ako dun noong oct 15, nakakuha ako ng slot sa ER sa nov 2 ako start.

  39. kahit anong mosby naman, hindi ko alam kung anong edition kasi wala ako nun. hehe.. basta madali lang naman ang exam, kaya nyo yan! ilang rotations na lang kami nakakalungkot, sana makapag-elective training kami para ma-experience namin dun sa new bldg. nila, hehehe

  40. @shiela: after ng training, pede ka mag-apply sa kanila. kung magaling ka talaga, kukunin ka nila kahit wala kang “backer” dun.
    @chel: matatapos ang training namin this jan. 2010, then yung next batch naman right after namin. kaya lang closed na ang pagpasa ng requirements nung october pa. ang next na batch sa may 2010 pa pede magpasa ng requirement, for july 2010-jan. 2011 pa yun.

  41. ask ko lnh po pla kung bakit kaming nagpasa ng requirements nung oct. 1 ay mageexam sa dec.1 eh ung isa ko pong frend nagpasa sya nung oct.2 pero ang sched ng exam nila is dec. 15 pa po?? y po kaya?? 1 pm po start ng exam namin sbi sa church daw po… my kasama po bng computation ung exam nila..?? allowed kaya mgadala ng calcu o yakang yaka naman ung computation..grabe ilang days nlng.. dis is it… gus2 k na tlagang magtraining sa qcgh.. slamat po pla.. if ever po sna sa 09215910239 n lng po kau magreply sa mga tanong ko po…maraming salamat po uli sa info….

  42. hindi ko maalala kung may computations dun, pero madali lang naman ang exam.. hindi na kailangan magdala ng calculator. regarding sa sched ng exams, marami sigurong nagpasa kaya sa dec. 15 pa sila mag-eexam. maswerte nga kayo nakaabot pa kayo, may friend ako oct. 5 xa nagpunta pero hindi na nila tinanggap yung papers nya. saka nakakainggit kayo kasi kapag nakapagtraining kayo maaabutan nyo yung bagong hospital, at syempre bago rin ang mga gamit dun. hai, sana nga makapag-elective training kami para maabutan rin namin yung bagong hosp. hehehe

  43. hi ian, ask ko lan after ng volunteer training, binigyan k po b nila ng certificate? anong nakalagay? certificate of training or certificate of volunteer? almost how many months k nag training s qcgen? and if its not too much to ask… wer n po ang balak mo ngyn after mong mag qc gen? thanks.. sensya na dami ko question ;-?

  44. hi may… thanx for droping by…

    yup my certificate po un

    certificate of training nakalagay (post-graduate clinical nursing training program)

    6 months regular training.. tapos ngaun nag start na ako ng special training sa intensive care unit for 6 months…

    sa qc gen pa rin hehehe ^_^

  45. hi kuya ian, i just graduated last june 2009 and i also plan to have my training in qcgh. just wanna ask you if the training fee is still the same as of the moment…at saka kelan po start ng pasahan ng requirements..at ask ko narin po kung anu-ano yun. thanks in advance and Good luck!:)

  46. @ ina: yes, as of now, the training fee is still the same as before. sa may ulit ang pasahan for july-feb training.

    Photocopy of diploma, TOR, PRC board of rating, PRC license card.. yun lang…

    @ nari kitt: hindi po ako staff, elective trainee ako ngayon sa medicine ICU ^^

  47. sa may pa? do you guys know when exact date ng start ng pagtanggap nila ng applications?! thanks sa info. maganda kase dun eh. and very convenient for me kasi malapit lang

  48. Hi,, ian nkktuwa at marami kng info n naibi2gay to our fellow nurses..about training at QCGH. I am also interested. I would like to know if there is changes s requirements bka kc nid p ng application letter and kanino i-a2ddress.And Gawa n b un new hospital ng QCGH? ginagamit n b? last Q? poh ok lng b khit hindi tga Quezon city pwede mgapply? tga Valenzuela kc aq..tnx. God Bless=p

  49. wala po nagbago sa requirements ng applications ^^

    tapos na ang structure ng building, pero ongoing pa rin ang construction ng plumbing system, air conditioning, windows, flooring, etc.

    pwede mag apply kahit hindi ka taga QC ^^

  50. ask kolang po kung yung 2,400 po ba na yun every month kang mag babayad ng 2,400?? o isang bigayan lang??? thank you po

  51. may fee po ba ung exam??at ilang weeks po bago mlaman ung result ng exam??right after po ba eh isa2bak ka na agad sa orientation for training?? o mraming pang steps??

  52. pa update po naman kung when dapat pumunta sa qcgen para makapag pasa ng requirements. gusto ko din po mag training doon eh. plus young requirements din po….salamat po na madami and God bless!

  53. Hello sa lahat… Nakapagpasa na din ako dun kaso wala naman akong idea kung anu-anong lalabas sa exam hehehe sana makapasa hehe

  54. pwede ba mag-apply dun as a staff nurse kahit hindi magtraining sa kanila?pero me training na sa ibang hospital…

  55. sana makapasa ko.. ngayong week na lalabas result ..sana po talaga .. basta papasa tau nian promise 🙂

  56. hi.. ask ko lang po kung mag aapply as a staff nurse sa NTO din ba ung punta q? tulad din ba ng process kpag mag aapply as a volunteer nurse?

  57. Hello po. Tanong ko lang yung 7 months na training considered as working exoerience na po ba yun? I mean yung ilalagay po sa certicate as staff nurse na or volunteer lang talaga? Kasi kaylangan ko lang talaga ng working experience although nurse trainee palang talaga yung aapplyan ko. Thank you.

    1. Hello Jei,

      Unfortunately, hindi siya mako-consider as working experience. Pero extensive naman ang training nila, magandang ‘ training experience’ ito sayo, mahahasa talaga nursing skills mo. Bibigyan ka nila ng training certification. After that pwede ka naman mag-apply sa kanila, mas malaki ang chance mo kasi makikita nila record mo. Good luck!

  58. hi still active p po b 2ng blog?.. i wanna ask lng po lumabas na kasi yung result ng exam ng dec. 2013. kaso yung name ko hindi nakalagay sa passer nasa kabilang papel na nakalagay na “you must see mrs. sevilla on jan. 20, 2014 on 9am” anu po ba meaning nun? pasok na din po ba yun sa training?.. tnx 🙂

  59. Good day po. Just wanna know if they also offer ivt training and bls training. Ur reply will be very much appreciated 😉 God bless po.

  60. hi..ask ko lang po if tumatangap pa ba ngaun ng applicants for nurse trainee?wen po ung star ng tarining?..tnx a lot..more powers!!

  61. is this blog still active? i just wanna ask if ung attire for orientation (ung pinaka first) yung sinasabi nilang COMPLETE WHITE UNIFORM is yung pangduty ba msmo sa hospital? not yung school uniform na all white din? thanks!!

Leave a comment